-- Advertisements --
Ikinagalit ng mga taga-Hong Kong ang hindi na pagsasailalim sa mandatory quarantine ng Hollywood actress na si Nicole Kindman.
Nasa Hong Kong kasi ang Australian actress para sa shooting ng ginagawa nitong bagong pelikula.
Ipinapatupad kasi sa Hong Kong ang 21-araw na mandatory quarantine sa mga dayuhang dumarayo para matiyak na wala itong dalang COVID-19 virus.
Ipinaliwanag naman ng Commerce and Economic Development Bureau at sinabing hindi na hindi kabilang sa ipinapatupad na batas ang mga pagsasagawa ng mga propesyonal na trabaho.