-- Advertisements --

Hinikayat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba na sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) pagdating ng Nobyembre 15.

Sinabi ni Concepcion kapag hindi nangyari ito ay mawawalan ng marami ang bansa.

Dagdag pa nito na nakahanda ang mga negosyante para sa posibilidad na palawigin ng IATF sa Alert Level 3 ang NCR pero nagbabala sila kapag hindi niluwagan ang restrictions.

Ilan sa mga dahilan kaya maaaring maluwagan na ang restriction ay dahil sa dami ng mga natuturukan na ng COVID-19 vaccine at ang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 sa NCR.