DAVAO CITY – Inilinaw ni Alfredo Ulantao, Tribal Leader sa Bagobo Tribe na hindi pagpangayaw ang nangyaring kaguluhan sa Purok 4, Lower, Barangay Lacson, Calinan, nitong Miyerkules, na ikinasawi ng dalawang pulis.
Kinumpirma din ito ng tagapagsalita ng Davao City Police Office, PCapt. Hazel Tuazon na problema lamang sa pamilya ang rason sa
sa komisyon dahil layunin umano ng suspek na si Benao Maanib Landas, isang tribal leader na napatay din sa isa sa mga biktimang pulis, na may balik din patayin ang kanyang bayaw na isang albolaryo na pinaniniwalaang may anting-anting .
Dagdag pa ni Olantao, hindi dapat hinahayaang mangyari ang pangayaw, dahil kailangan nito ng abiso sa lahat ng tribal leaders o council of elders at may eksaktong araw kung kailan ito gagawin para mabigyan ng patnubay ang mga tao na may mangyayari kung saan meroong 20 araw upang malutas ang problema.
Sa katunayan, karamihan sa ginagawa ng mga pinuno ng tribo ay nagbibigay ng kanilang mga sakripisyo tulad ng alagang hayop upang hindi matuloy ang pagnanakaw at walang buhay na nasawi.
Kung matatandaan, umabot sa patayan ang nangyaring kagulohan sa Calinan kung saan ikinasawi ito sa isa sa mga suspetsado na kinilalang si Benao Maanib Landas at nahuli naman ang kasama nito na si Rico Masacay.
Samantalang dalawang pulis sa Calinan Police Station na sila PCMS Tito Didal Lague at PCPL. Mark Anthony Elman Corsino, ang nasawi matapos rumisponde lamang sa nasabing kagulohan.