-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Dr. Michelle Schlosser, Spokesperson ng Davao City Covid-19 Task Force na hindi na umano require ang pagsusuot ng face shields habang sakay sa Public Utility Jeepneys (PUJs) lalo na ang mga bukas at well-ventilated na mga pampasaherong sasakyan.

Ang pahayag ni Schlosser ay may kaugnayan sa lumabas na report na may mga traffic enforcers ang patuloy nagpa-alala sa mga pasahero na magsuot ng face shields.

Nilinaw nito na maliit na lamang ang tsansa na mahawa ng virus ang mga pasahero na sakay sa mga PUJs lalo na at bukas naman ito.

Sa inil;abas na Executive Order (E.O.) No. 51 Series of 2021, ang face shields ay gagamitin lamang sa three C’s o crowded places na may maraming tao, close-contact settings, lalo na sa mga na may close-range conversations, at confined and enclosed spaces na walang sapat na ventilation.

Sinasabing ang Crowded places ay kinabibilangan ng swab sites, vaccination sites, evacuation centers, distribution of assistance, at Commission on Elections (Comelec) voters’ registration.

Close-contact settings ay mga “contact” sa pagitan ng mga indibidwal na may six feet ang layo sa isa’t-isa at nag-uusap ng higit sa 15 minuto.

Samantang ang Confined and enclosed spaces with poor ventilation ay ang mga establisyemento na walang open windows.

Una na rin na sinabi ni Mayor Inday na kabilang ang mga papasok sa simbahan na may open windows ay hindi na rin required na magsuot ng face shields.