-- Advertisements --

LAOAG CITY – Todo paliwanag pa rin si Agriculture Sec. William Dar hinggil sa privacy ng mga lugar sa bansa kung saan may naitalang pagkamatay ng mga alagang baboy.

Sa isang press conference sa Batac City, Ilocos Norte sinabi ng kalihim na posibleng magdulot ng takot sa publiko kapag tuluyang pinangangalanan ng kagawaran ang naturang mga lugar.

Malaki rin umano ang tsansa na mahawa ang mas maraming tao ng sakit na mayroon ang mga namatay na baboy.

Sa ngayon tiniyak ni Dar na kontrolado ng Department of Agriculture ang sitwasyon, gayundin na hindi pa kumpirmado kung African Swine fever ang tumama sa mga namatay na baboy.