Hindi sinang-ayunan ni Sen. Richard Gordon ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-indorso ng susunod na House speaker at magpasok pa ng term sharing proposal.
Matatandaang kahapon ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na napili niya si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang susunod na House speaker at susundan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco pagkatapos ng 15 buwan.
Para kay Gordon, hindi dapat ito ginagawa ng presidente, dahil ang ehekutibo ay may hiwalay na hurisdiksyon sa anumang aktibidad ng Kongreso.
“It is wrong for Duterte to propose term-sharing among Speaker choices,” wika ni Gordon.
Nilinaw naman nitong suportado pa rin niya ang ibang mga trabaho ng Pangulo, dahil nakikita naman niyang epektibo ang karamihan sa mga hakbang nito.