-- Advertisements --

Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatanggap sila ng “wiretapped” information mula sa ibang bansa na may kinalaman sa mga pulitikong naiuugnay umano sa iligal na droga.

Nilinaw ni PDEA director general Aaron Aquino na galing sa local government agencies ang pangalan ng mga opisyal na kabilang sa kanilang isinasapinal pang narco-list.

Wala raw ideya ang tanggapan sa kung ano mang wiretapping at kung sinong foreign agency ang gumawa nito.

Inamin ni Aquino na nakikipag-tulungan ang PDEA sa mga banyaga pero para lamang masugpo ang iligal na droga at hindi sa pagbuo ng narco-list.

Kung maaalala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na kabilang ang Israel, US, Russia at China sa mga bansang nagbigay umano ng wiretapped information sa pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.