-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Debold Sinas na naaresto ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng PNP-CIDG NCR at Eastern Police District ang isang leader ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ni Sinas ang inarestong NPA leader na si Jaime Padilla habang nasa loob ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kahapon matapos makumpirma ang lokasyon nito dahil sa tip ng isang impormante.

Si Padilla ang Spokesperson ng NPA Southern Tagalog at miyembro ng National Information Bureau ng CPP Central Committee.

Si Padilla ay may standing Warrant of Arrest dahil sa kasong Multiple Murder at kabilang din sa Terror-list ng Department of Justice at kilalang malapit kay Joma Sison.

Una itong dinala sa San Juan Police Station.

Inihatid na ngayon ng mga tauhan ng CIDG -NCR at NCRPO sa Kampo Crame ang nahuling lider ng NPA.