Cauayan City – Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang alegasiyon ng pagnanakaw ng luya ang dahil ng pamamaril patay sa isang lalake sa Baranagy Binuangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay nakilalang si Romeo Biado,may asawa at residente ng Barangay Alloy, Kasibu, Nueva Vizcaya.
sa ngaing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Maj Ferdinand Corpus chief of Police ng Dupax Del Norte police station sinabi niya na idinulog ng isang Lito Kenjuran barangay kapitan ng Binuangan ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima na nakahandusay sa gilid ng daan na may tatlong tama ng bala ng baril sa katawan habang katabi nito ang kaniyang kolong kolong kung saan nakasakay ang apat na sako ng luya na hinhinalang ninakaw umano ng biktima.
Aniya sa pagtugon ng mga otoridad ay nakuha sa pinangyarihan ng incidente ang apat na basyo ng kalibre 38 na baril, dalawang live ammunition,maliban pa rito ang nakuhang dalawang piraso ng tsinelas, isang bolo,dalawang sling bag at apat na sako ng luya na hinihinalang pag-aari ng biktma.
Sa pakikipag ugnayan ng pulisya sa ilang mga residente sa nasabing barangay napagalaman na pinaghihinalaan ang biktima na nasa likod ng serye ng nakawan ng luya sa nasabing lugar.