-- Advertisements --
WPP WestPhilippineSea AFP

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinimulan nilang siyasatin ang nangyaring insidente sa West Philippine Sea, kung saan mayroong Chinese Coast Guard ship na pinaalis umano ang Filipino fishing boat sa Ayungin Shoal.

Nakatanggap ang PCG ng impormasyon mula sa kapitan ng Filipino boat na nakakita sila ng flag ng Chinese vessel na papalapit sa kanila.

Habang paalis ang Filipino boat ay patuloy parin daw ang pagsunod ng Beijing vessel sa kanila.

“Accordingly, [the Chinese Coast Guard vessel] deployed a rigid hull inflatable boat. The personnel onboard gestured for the Filipino fishermen to leave the area,” sinabi ng PCG.

Kasalukuyang naghahanap ng sapat na ebidensya ang nasabing ahensya at ito ay kanilang ilalapit sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nangako naman ang DFA na sila ay gagawa ng kaukulang aksyon kapag napatunayang totoo ang nangyaring pagtaboy sa mga Pilipino.

Kasunod ng insidente, magdadagdag umano ang PCG ng ilan pang personnel sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Pangulong Bong Bong Marcos na nagpahayag si President Xi Jinping na sila ay naghahanap ng solusyon para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang partido.