-- Advertisements --

Sinentensyahan ng 18 buwan na pagkakakulong ang Russian agent na si Maria Butina matapos nitong makipagtulungan umano sa National Rifle Association (NRA), isang non-profit organization na isinusulong ang gun rights sa bansa, at upang itaguyod ang interes ng Russia bago at matapos ang 2016 presidential election.

Si Butina ang kauna-unahang Russian citizen na nahatulan ng krimen na may kinalaman sa 2016 election.

Ipinataw ang sintensyang ito ni US District Court Judge Tanya Chutkan sa 30-anyos na suspek at ipinag-utos din nito na ipa-deport si Butina pabalik ng Russia.

Umiiyak at nanginginig ang boses na humingi ng tawad si Butina sa harapan ng hukom habang nagmamakaawa na patawarin ito sa kanyang nagawa dahil wala raw siyang intensyon na makapanakit ng kahit sino.
“For all the international scandal my arrest has caused, I feel ashamed and embarrassed. My parents taught me the virtue of higher education, how to live life lawfully, and how to be good and kind to other,” ani Butina.

Wala raw itong koneksyon sa Muller inquiry na di-umano’y panghihimasok ng Russia sa 2016 presidential election.