-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nakagapos ang mga kamay sa likod at may malaking hiwa ang leeg ng isang di kilalang lalake nang matagpuan sa tabi ng daan sa Nopol, Barangay Conel nitong lungsod.
Patuloy na kinikilala ang bangkay na tinatayang 30 hanggang 40 taong gulang.
Hinala ng San Isidro Police Station, isang salvage victim umano ang biktima dahil walang nakakakilala na mga residente sa lugar kung saan ito natagpuan.
Nakasuot ito ng t-shirt na kulay puti at nakapantalon at naka-tsinelas lamang nang nakita ng dumadaan na mga motorista.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa biktima.