Umapela ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na hintayin na munang matapos ang imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa dating Chief of Police ng Jolo PNP na si Capt. Walter Annayo.
Ito’y matapos lumutang ang mga balita na mayruong kaugnayan di umano ang pagkakapatay kay Annayo sa pagkamatay ng apat na army officers sa Jolo,Sulu.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, hindi pa tapos ang ginagawang imbestigasyon ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa kaso.
Inatasan na rin ni Sinas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mag imbestiga para sa mabilis na paglutas ng kaso.
Binigyang diin ni Sinas na hindi aniya makatutulong sa ngayon ang mga lumalabas na ispekulasyon.
Inihayag nito na base sa isinawagang imbesigasyon ng NBI walang kinalaman si Annayo sa ginawa ng kaniyang mga tauhan, dahilan ng kaniyang pagkakasibak sa pwesto bilang Chief of Police ng Jolo ay dahil sa command responsibility.