Hinimok ni World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang ilang mga mayayamang bansa na suspendihin muna ang plano ng kanilang administrasyon na vaccine booster shots hanggang matapos ang taon.
Ginawa ng kagawaran ang nasabing panawagan upang ma-prioritize sa vaccination ang mga hindi pa nabakunahan at hindi pa fully vaccinated.
Aniya, kailangan muna tiyakin ang suplay ng bakuna para sa mga mahihirap na bansa.
Hintayin muna na mabakunahan ang 40% residente ng bawat bansa bago ipilit ang pagpapatupad ng vaccine booster shots.
Sa talaan ng WHO, nasa 5.5 billion doses ng Covid-19 vaccine ang naiturok sa buong mundo at 80 percent nito at ay nagmula sa high and upper-middle income countries.
Wala umanong problema ang vaccine booster shots kung marami at sobra-sobra ang suplay ng bakuna.