-- Advertisements --

Inanunsyo ng Manila Water na ang P2.5-bilyon na Hinulugang Taktak sewage treatment plant (STP) sa Antipolo City ay inaasahang magbubukas na sa Disyembre ngayong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Manila Water na ang Hinulugang Taktak STP ay kasalukuyang nasa mahigit 60% progress rate.

Ang P2.5-bilyong na planta na matatagpuan sa Hinulugang Taktak Falls ay itinatayo bilang bahagi ng inisyatiba ng kumpanya na magbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kalinisan sa mga customer nito sa East Zone ng Metro Manila at Rizal.

Sinabi ng Manila Water na ang proyekto ay nakikita upang mapanatili at i-rehabilitate ang ecological balance sa lugar sa pamamagitan ng pagtrato ng hanggang 16 million liters per day ng wastewater mula sa mga kabahayan.

Inaasahang magbibigay ito ng sewerage service sa 148,000 residente ng Antipolo City, partikular mula sa Barangay dela Paz, San Isidro, San Roque, at San Jose.

Una na rito, ang Manila Water ay nagbibigay ng pamamahagi ng tubig at mga sewerage srvice sa East Zone na sumasaklaw sa mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, karamihan sa bahagi ng Quezon City, mga bahagi ng Maynila; gayundin ang mga bayan ng Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay, at Teresa sa lalawigan ng Rizal.