CENTRAL MINDANAO – Tatlong anggulo ngayon ang iniimbestigahan ng mga otoridad sa pamamaril patay sa tatlong payong-payong driver sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Midsayap chief of police Lt. Col. Rolly Oranza na maraming anggulo ang kanilang tinututukan sa pamamaril patay sa mga biktima.
Una ay personal na alitan o grudge, awayan sa ruta ng mga drivers at iba rin sa mga biktima.
Kasama rin sa iniimbestigahan ng mga pulis ang anggulong away pamilya o rido sa ibang lugar at naghahanap buhay ang mga biktima sa bayan ng Midsayap.
Hiniling ni Oranza sa mga kaanak o pamilya ng mga nasawi na makipagtulungan sa kanila upang mas mapabilis pa ang isasagawang imbestigasyon at pagresolba ng kaso.
Matatandaan na nakaupo lamang ang mga biktima sa kanilang payong-payong na motorsiklo ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects.