Tiniyak ni Philhealth Pres. at CEO Emmanuel Ledesma, Jr. na suportado nila na bawasan ang kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth.
Ginawa ni Ledesma ang pahayag kasabay ng naging statement ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kung saan ay nanindigan ang senador na kayang mabawasana ang mandatory contributions ng lahat ng miyembro ng Philhealth.
Ayon kay Escudero, aabot sa mahigit P500-B ang reserved fund ng Philhealth kayat posible itong ipatupad.
Paliwanag naman ni Ledesma, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila na tuluyang maipasa sa mataas na kapulungan ng kongreso ang isang panukalang pag amyenda sa Universal Health Care Law.
Layon ng bill na ito na maibaba sa 3.25% ang mandatory contribution ng isang miyembro ng naturang insurance company.
Tiniyak pa ng opisyal na handa sila na ipatupad ang naturang panawagan sa oras na maipasa ang nasabing panukala.