Malabong mapagbigyan ang hiling ng mga transport group na P12.00 na minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na mismong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na kung maaari ay huwag munang magtaas ng pamasahe.
Dagdag pa ni Delgra na naiintindihan nila ang pasanin ng mga driver ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis subalit labis na maapektuhan dito ay ang nakakaraming mga mananakay.
Inirekomenda na lamang ng DOTR na taasan na lamang ang kapasidad ng mga isasakay ng mga pampasaherong jeep imbes na magtaas ng pamasahe.
Magugunitang naghain ng petisyon ang mga grupo ng jeepney ng dagdag pamasahe dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis.