-- Advertisements --

Ibinasura ng korte sa Pasig City ang hiling ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na ito ay ma-hospital arrest.

Sinabi ng private prosecutors ng mga complainant na sina sina Atty. Ian Enterina at Atty. Joeie Domingo ang nasabing pagbasura ng korte.

Dumalo lamang si Quiboloy sa virtual hearing sa kaniyang nitong araw ng Huwebes.

Ayon naman sa abogado ni Kingdom of Jesus Christ leader Atty. Israelito Torreon na sila ay mag-aapila sa nasabing desisyon ng korte.

Magugunitang naghain ng mosyon ang kampo ni Quiboloy sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 para sa hospital arrest kasama ang isang co-accused nito na si Ingrid Canada.