Tinanggihan ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon ang mga panibagong panawagan para sa mass testing sa pagsasabing hindi kayang i-test ng gobyerno ang buong populasyon ng Pilipinas.
Sinabi ni Sec. Dizon, dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journals at pahayag ng mga health experts na gamitin ang risk-based at targeted testing strategy imbes na isaiilalim sa testing ang lahat ng 110 million Filipinos.
Ayon kay Sec. Dizon, sa pamamagitan ng risk-based and targeted testing, tanging ang mga inirerekomenda ng doktor, mga may sintomas, mga mayroong close contact sa COVID-19 patient at mga taong galing sa high risk areas ng COVID-19 ang isasailalim sa testing.
Idinagdag pa ni Sec. Dizon na mas mabuting sundin na lamang ang payo ng mga eksperto na pagsunod sa minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing.