-- Advertisements --
Screenshot 20211012 192306 Instagram

Hindi raw kayang ibigay ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng grupo ng mga tsuper na P3 na minimum fare hike para sa public transport.

Sinabi ni LTFRB executive director Joel Bolano na base sa kanilang year-on-year computation, hindi dapat mas mataas sa P1.26 ang dagdag sa pasahe.

Screenshot 20211012 191932 Facebook

Aniya base na rin ito sa memorandum circular na pinagkasunduan ng LTFRB dahil na rin sa halos linggo-linggong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon, base sa latest data mula sa Department of Energy (DoE) ang year-to-date adjustments, ang total net increase ay nasa P16.55 na ang kada litro ng gasolina, P15 sa kada litro ng diesel at P12.74 naman sa kerosene.

Una rito, sinabi ng public utility transport group na Pasang Masda na asahan nang maghahain sila ng petisyon para hilingin ang P3 na umento sa minimum fare.

Kung maaaprubahan, P12 na ang base fare para sa mga pampublikong sasakyan.