-- Advertisements --
Photo © PTV4

Dumistansya ang Malacañang sa hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa.

Magugunitang kahapon naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa National Capital Region wage board para iakyat sa P1,247 ang arawang sahod sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P537.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinauubaya na nila sa tripartite wage board ang pagproseso sa ano mang wage hike increase.

Ayaw rin daw pangunahan ng Malacañang kung paano dapat tugunan ng wage board ang mga inihaing petisyon.

Samantala, tulad ng nakagawian tuwing Labor Day, welcome sa Malacañang ang ano mang idaraos na rally bukas.

Karapatan naman daw ng sino ang makisali sa mga protesta.

“Nasa wage board na iyan, kasi sila ng magdedesisyon if there will be any increase, kung kailangan o kung hindi depende sa circumstances surrounding whatever petition they have in mind,” ani Sec. Panelo.