Tahasang ibinasura ng MalacaƱang ang panukala ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na dapat ungkatin o dalhin ng Duterte administration sa United Nations (UN) General Assembly ang arbitral ruling na naipanalo laban sa China na nagpapatibay sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nakatakdang magbukas ang 74th regular session ng UN General Assembly sa Setyembre 17 kung saan dadalo ang mga world leaders UN headquarters sa New York City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang “futile exercise” o walang saysay ang hakbang na ito dahil wala namang enforcement force ang UN.
Ayon kay Sec. Panelo, ang inihalimbawa ni Del Rosario na kaso ng Nicaragua ay wala namang nangyari.
Kaya kumbinsido umano si Pangulong Rodrigo Duterte na tama ang kanyang ginagawa kaugnay sa territorial dispute sa China kung saan sa kabila ng hidwaan sa West Philippine Sea issue, nag-uusap naman ang Pilipinas at China sa mga areas o sektor na maaring mag-ugnayan at magkaroon ng kooperasyon.
Nakatakdang magsasalita ang panig ng Pilipinas sa harapan ng world body sa Seteyembre 28 kung saan si Foreign Sec. Teodoro Locsin Jr. ang kakatawan kay Pangulong Duterte.