ROXAS CITY – Malabo umanong maisakatuparan ang apela ng mga magsasaka sa Capiz na pagdeklara ng state of calamity sa lalawigan dahil sa epekto ng dry spell o tagtuyot sa kani-kanilang sakahan.
Ito ang inihayag ni Capiz governor Antonio Del Rosario sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.
Ayon sa gobernador na nakadepende sa mga local government unit (LGUs) ang pagdeklara ng state of calamity sa kani-kanilang bayan bago ito ito tuluyang ideklara sa buong lalawigan.
Nabatid na sa kabila ng krisis sa ngayon na nararamdaman ng mga magsasaka ay inihayag ng Office of the Provincial Agriculturist na minimal lamang ang epekto ng naturang kalamidad sa lalawigan.
Sa katunayan ay sa 16 na bayan sa lalawigan, ang bayan pa lamang ng Tapaz ang nakapagdeklara ng state of calamity.
Nabatid na sa pakikipagpulong ng grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ay inilinaw na rin sa mga ito ang ilang batayan upang makapag-deklara ng state of calamity sa isang lugar.