-- Advertisements --

Posibleng isalang daw ngayong gabi sa en banc session ang nakabinbing rekomendasyon na magkaroon ng special elections sa Jones, Isabela dahil sa pagsunog ng nasa 1,000 balota at vote counting machines (VCM).

Ayon kay Atty. Frances Arabe, Director III ng Commission on Elections (Comelec) Education and Information Department, ang hirit daw na special election ay sa Mayo 20 araw ng Lunes.

Ang naturang isyu ay kailangan pang dumaan sa en banc para makapagpalabas ng resolusyon kung papayagang magkaroon ng eleksiyon.

Aniya, malaki kasi ang epekto ng nasunog na mga balota sa standing ng mga local candidates sa naturang lugar.

Maalalang noong Martes un umaga ay napaulat na may sinunog na VCM at mga balota sa Isabela.

Sa isyu naman sa Zamboanga del Sur, hinihintay naman daw ng office of the regional director ang request ng election officer na ibaba nag threshold ng botohan para maiproklama na ang mga nanalo.

Paliwanag niya, sa kaso ng pagsunog sa VCM at 400 na balota sa Zamboagan del Sur ay hindi na makakaapekto sa standing ng mga local candidates dahil nasa 400 na balota lamang ang sinunog.