-- Advertisements --


Malabo umano ang hirit na umento sa sahod sa Metro Manila kasabay ng Labor Day bukas, Mayo 1.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Ciriaco Lagunzad, hindi raw kasi posible ang pagpapatupad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na dagdag sahod kung pagbabasehan ang kanilang time frame.

Aniya, mayroon lamang silang isang araw na magpatawag ng pagpupulong kaugnay sa hirit na dagdag sahod kaya’t hindi nila ito maiaanunsiyo bukas.

Maliban dito, hindi rin daw sakop ng huridiksyon ng RTWPB ang inihihirit na across-the-board wage hike para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Una rito, naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para hilingin ang P710 kada araw na across-the-board wage hike.