-- Advertisements --
Ibinasura ng Sandiganbayan ang apila ng actor at dating Quezon City councilor Roderick Paulate na baligtarin ang naging hatol sa kaniya dahil sa pagkuha ng mga ‘ghost’ job contractors noong 2010.
Sa resolution na inilabas ng Seventh Division, na ang walang merito ang nasabing apila ng actor.
Bigo aniya ang actor na maglabas ng mga bagong ebidensiya para makumbinsi ang korte na baligtarin ang kanilang naunang desisyon.
Magugunitang hinatulan ang actor kasama ang liason officer nito na si Vicente Bajamunde ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong at sila ay diskwalipikado na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.