Nanindigan si Civil Aviation of the Philippines Acting Director General Manuel Antonio Tamayo na hindi na niya kinakailangang lumiban sa trabaho sa ngayon.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DoTr) na plano nilang hilingin sa mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na lumiban muna sa trabaho habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at hindi pa lumalabas ang resulta nit kaungay ng Ninoy Aquino International Airport air traffic management system breakdown noong Bagong Taon.
Sinabi ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ay kasunod na rin ng pitong oras na air traffic management system malfunction na nakaapekto sa 282 flights at nasa 60,000 passengers.
Sa ngayon, kinuhuka na raw nila ang lahat ng mga dokumento para sa naturang isyu.
Pero sinabi naman ni Tamayo na hindi na dapat pang mag-leave ang mga opisyales ng Civil Aviation Authority of the Philippines dahil bukas naman daw sila sa ano mang isasagawang imbestigasyon.
Nakahanda naman daw silang magbigay ng mga kinakailangang mga ebidensiya.
Sa katunayan, kahapon daw ay pinuri ng Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations dahil sa pagiging bukas ng mga ito sa imbestigasyon.
Una nang sinabi ni CAAP acting Director General Manuel Antonio Tamayo na bumili na sila ng dalawang uninterruptible power supply (UPS) na nagkakahalaga ng P13 million para maiwasan ang air traffic management system malfunction na muling mangyari.
Ang uninterruptible power supply kasi ang hindi gumana sa Ninoy Aquino International Airport noong Enero 1.
Pero sinabi ni Tamayo na base sa kanilang initial findings, lumalabas na ang naging dahilan ng problema ang circuit breaker pero kailangan pa raw nilang silipin kung ano ang dahilan ng pag-malfunction ng circuit breaker.
Samantala, sinabi ni Sec. Bautista na inaasahan naman daw na mailalabas na ang resulta ng imbestigasyon sa lalong madaling panahon.