-- Advertisements --

Posibleng matatagalan pa ng mahigit isang buwan bago maaksiyunan ang petisyon ng online news site Rappler sa Korte Suprema laban sa direktiba ni Pangulong Duterte na i-ban ang pag-cover ng kanilang mga reporter sa Malacañang maging ang pagbuntot ng mga ito sa mga aktibidad ng pangulo.

Ito ay dahil nagsimula na ang isang buwang recess at writing break ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC).

Ang buong buwan ng Mayo ay decision writing month ng Korte Suprema para mabigyan ng oportunidad ang mga mahistrado na mapagtuunan ang pagsusulat ng mga ponencia, separate opinions at reflections sa mga kasong nakabinbin sa kanila.

Kung hindi magpapatawag ng special session ang Korte Suprema at kung hindi isasama rito ang petisyon ng Rappler ay hindi pa ito maaksyunan.

Maalalang kahapon ay dumulog sa kataas-tasaang hukuman ang Rappler para hilinging ipawalang-bisa ang pagbabawal sa kanila ng Malacañang na i-cover si Pangulong Duterte dahil paglabag daw ito sa freedom of press, speech at equal protection at due process.