ILOILO CITY – Pag-aaralan pa ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagan ng Senado sa pagpapalawig ng nationwide voters registration hanggang sa Oktubre 31.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na majority ng poll body ang ayaw nang palawigin pa sana ang voters registration kung saan nagdesisyon na sila na ang deadline ay sa Setyembre 30 bago pa man ang pandemya.
Ayon kay Guanzon, sa susunod na linggo, itatakda nila ang pagpupulong upang pag-usapan ang hiling ng Senado.
Inamin din ng ospiyal na malaki ang naging epekto sa pagpapatupad ng COVID-19 restrictions sa pagkaantala ng pagpaparehistro ng ilang mga indibidwal lalo na sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).