-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan third division ang kahilingan ni dating senador Juan Ponce Enrile na tanggalin ang testimoniya ni Atty. Ryan Medrano mula sa listahan ng ebidensiya ng prosecutor para sa kaso nitong plunder.

Sa inilabas na ruling ng Sandiganbayan na ang testimonya ni Medrano ay hindi makakapinsala sa karapatan nito na harapin ang gobyenro.

Si Medrano kasi ang kinuha ni Ombudsman para tumestigo laban kay Enrile.

Unang sinabi kasi ng dating senador na ang testimonya ni Medrano ay makakagambala sa karapatan nito ng komprontasyon.

Mas nais pa nito na sa korte ito tumestigo.