-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Binuweltahan ni Public Attorneys Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta ang rekomendasyon na muling ibalik ang paggamit ng Dengvaxia dengue vaccine.

Ito ay matapos na iapela ni dating Health Secretary at kasalukuyang Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa Department of Health (DOH) na magkaroon ng political will at ituloy ang vaccination drive sa gitna ng tumataas na bilang ng dengue cases sa bansa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAO Chief Acosta, sinabi nitong bahagi lamang daw ito ng taktika ni Garin upang depensahan ang sarili sa mga kinakaharap na kaso.

Ayon kay Acosta, walang katiyakan na gagana sa pagkakataon na ito ang naturang bakuna dahil mismong ang mga eksperto ng manufacturer na Sanofi Pasteur ang nagsabi na may kasama itongng apat na na nakakamatay na side effects mula sa anaphylactic allergic reaction, organ at brain bleeding at dagdag na risk sa paglala ng dengue.

Pinabulaanan rin ni Acosta na nais lamang ng PAO na lumikha ng takot kasabay ng hamon kay Garin na umpisahan muna nito ang pagbakuna sa sariling angkan.

Samantala, umabot na sa 44 na kaso ang inihain ng PAO laban sa mga nagsulong ng dengue vaccine, na kumakatawan sa pamilya ng mga namatayan na dahil umano rito.accine ang apat na nakakamatay na side effects mula sa anaphylactic allergic reaction, organ at brain bleeding at dagdag na risk sa paglala ng dengue.

Pinabulaanan rin nitong nais lamang ng PAO na lumikha ng takot kasabay ng hamon kay Garin na umpisahan muna nito ang pagbakuna sa sariling angkan.

Samantala, umabot na sa 44 na kaso ang inihain ng PAO laban sa mga nagsulong ng dengue vaccine, na kumakatawan sa pamilya ng mga namatayan na dahil umano rito.