-- Advertisements --
Kinatigan ng korte Suprema o pinagbigyan ng mga mahistrado ang kahilingan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mailipat dito sa Maynila ang mga pagdinig sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni Supreme Court spokesperson, Atty.Brian Keith Hosala na partikular sa pagdarausan ng pagdinig sa kaso ay sa Manila Regional Trial Court.
Dahil diyan ay dito na lang sa Manila isasampa ang kaso na may kinalaman sa pagpaslang kay Degamo.
Samantala hindi pa matukoy ng DoJ kung kailan ihahain ang kaso dahil kasalukiyan pang nasa malakanyang si Remulla para sa isang pakikipag-pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.