Pinayagan na ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang kahilingan ni Sen. Leila de Lima na furlough para madalaw ang inang may sakit.
Sa kanyang hirit nais ng senadora na mabisita Ang kanyang ina na may sakit at nasa ospital sa Naga City.
Sa inilabas na pasya ng korte, binigyan nila ang senadora ng 48 oras o dalawang araw para sa kanyang furlough.
Kasama na rito ang travel time mula ngayong August 14 hanggang bukas, August 15 at kailangang makabalik sa August 16.
Ayon kay Ferdie Maglalang, staff ni de Lima, susubukan ng senadora na makaalis na ano mang oras ngayong araw.
Ayon naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra, tama ang pagpayag ng korte sa furlough ni De Lima dahil pagdating sa pagmamahal at pagkilala sa mga magulang, lahat ay pantay-pantay, ano man ang pagkakaiba.
Una nang sinabi ng kalihim na hindi niya haharangin ang hirit ni De Lima para makita ang ina.