Nag courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang si Vatican Secretary for Relations with States and International Organization His Excellency Archbishop Paul Gallagher kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw July 2,2024.
Pasado alas-1:50 ng hapon ng dumating sa Palasyo si Archbishop Gallagher at agad itong lumagda sa guest book ng Malacañang.
Ang pagbisitang ito ay kabilang sa taunang selebrasyon ng Pope’s Day.
Ang courtesy call a Palasyo ay susundan ng pulong ng Archbishop kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Bukas July 3, tutungo ang Archbishop sa Malaybalay, Mindanao, upang makibahagi sa Plenary Session ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP).
Sa Huwebes, dadalo ito sa misa, kasama ang mga obispo ng Abbey of the Transfiguration sa Malaybalay.
Tatapusin ng Archbishop ang pagbisita sa Biyernes (July 5), sa pakikibahagi sa conference sa Foreign Service Institute sa Maynila.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa ang pulongng archishop kasama si Pangulony Marcos