Naging makasaysayan ang pagkampeon ng Austrian tennis Star na si Dominic Thiem matapos ang come-from-behind win kontra sa kanyang best friend na si Alexander Zverev sa Arthur Ashe Stadium sa New York.
Mula sa pagkatalo sa dalawang opening sets, bumawi sa third set si Thiem hanggang sa magtuloy tuloy na inabot pa sila sa tiebreak sa fifth set,
2-6 4-6 6-4 6-3 7-6 (6).
Si Thiem ang unang player na nagwagi sa American Grand Slam tournament matapos mangulelat sa 2-0 sa sets sa final na huling nakita mula pa noon kay Pancho Gonzales na nakabawi rin kontra kay Ted Schroeder noon taong 1949 na tinatawag pa ang torneyo bilang U.S. Championships.
Ang pambirang fifth-set tiebreaker ay nangyari rin noon kay Novak Djokovic nang ma-upset si Roger Federer sa Wimbledon taong 2019.
Liban sa matinding pressure hinarap din ng magkaribal sa four hour classic ang paglaban din sa pulikat.
“I wish we could have two winners today,” ani Thiem, 27.
Si Zverev ay tangka sanang mabigyan ang Germany ng unang Grand Slam champion mula pa noon kay Boris Becker sa panahon ng dekada nubenta.
“I was a few games away,” wika pa ng 23-anyos na si Zverev.
Bago ang finals naging paborito si Thiem lalo na at abanse siya sa
seventh-ranked na si Zverev kung pagbabatayan ang match up record na 7-2.
Kung maalala sinadyang hindi sumali ang dalawa sa “big three” na sina Roger Federer at Rafael Nadal na unang ginawa nila noon pang 1999.
Habang si world’s No. 1 Novak Djokovic ay napauwi nang maaga makaraang ideklarang nag-default nang tamanaan niya ng kanyang bola sa leeg ang line judge mula sa tinira niyang bola.