Nagtala ngayon ng kasaysayan ang world’s number one na si Ashleigh Barty matapos na bigyan niya ng korona ang Australia nang masungkit ang women’s singles title sa Australian Open sa loob ng dalawang sets laban kay Danielle Collins ng Amerika sa score na 6-3, 7-6(2).
Hindi binigo ni Barty ang kanyang mga kababayan na naghanda ng big party bilang bahagi ng malaking selebrasyon.
Una rito ang 25-anyos at top seed na si Barty ay makasaysayan ang pagtuntong niya sa finals bilang unang home player ng Melbourne na umabot sa Australian women’s singles championship sa nakalipas na 42 taon.
Huling nagkampeon ang isang manlalaro mula sa Australia maging sa men’s single ay noon pang taong 1978.
Ang top seed din na si Barty ay tatlong beses na niyang nakaharap ang 28-anyos na karibal na si Collins kung saan
abanse sya sa head-to-head match up.
Liban sa naturang laro, todo pagbubunyi din ang home crowd sa men’s doubles final dahil sa all-Australian players din ang naglaban-laban.
Ito rin ang first all-Australian men’s doubles champions sa nakalipas na 25 taon nang manaig ang tandem nina
Thomas Kokkinakis at Nick Kyrgios.
Kung maalala bago ito nabulabog ng husto ang Australian Open dahil nabigong maidepensa ng world’s No. 1 na si Novak Jokovic ang kanyang korona sa men’s single matapos na ipa-deport ng gobyerno ng Australia dahil sa hindi ito bakunado.