DAVAO CITY – Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Ana Mae Talili, ang 21 anyos na biktima ng nangyaring hit-and-run nitong ika-26 ng Enero, sa daang Mc Arthur Highway, Davao City.
Bumuhos ang mga pakikiramay sa pamilyang Talili kung saan pinuno ng tao ang simbahan na dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, maging mga guro ng biktima.
Inilibing na ang bangkay ni Ana Mae sa Mt. Apo Garden Cemetery, Riverside, Calinan, Davao City.
Natatandaang madaling araw noong ika-26 ng Enero, noong nangyari ang aksidente na ikinamatay ni Ana Mae kung saan sangkot ang isang putting pick up na minananeho ng nakabanggang si Jester Yucosing, 40 anyos.
Napag-alaman rin na ang may-ari ng naturang sasakyan ay ang bise mayor ng Boston, Davao Oriental na si John Paul Lampig.
Pagkatapos ng libing, aasikasuhun na ng pamilyang Talili ngayong Lunes, Pebrero 6, ang pagsasampa ng kaso laban kay Yucosing na kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, and damage to property.
Samantala, posibleng kakasuhan din si Vice Mayor Lampig dahil sa pagmamay-ari ng naturang sasakyan.
Kahit ganap nang sumuko ang responsable sa aksidente, sigaw pa rin ng pamilya ni Ana Mae ang totoong hustisya.