Iginiit ng isang miyembro Kamara de Representantes ang pangangailangan na makilala ang hitman na kinausap ni Vice President Sara Duterte upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon mag Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang pahayag ni VP Sara ay nakaka alarma at banta sa national security.
Sinabi ni Flores na dapat makilala ang hitman sa lalong madaling panahon gaya ng utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Presidential Security Command (PSC) na tiyakin na masusuri ng husto ang bawat anggulo bago mahuli ang lahat.
Nanawagan din ang kongresista sa repasuhin ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na itinayo umano ilang araw bago bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan din ang kongresista sa mga otoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagbabanta sa buhay ng mga lider ng bansa at upang matiyak na mangingibabaw ang batas.