Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga tinatamaan ng Human Immunodeficiency Virus (HIV)/ Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa bansa sa maikling panahon.
Pero iyan ay kapag walang magiging maayos na HIV/AIDS prevention at improvement sa serbisyo ng pamahalaan.
Sa record ng kagawaran hanggang nitong Marso 2024, nasa halos 130,000 ang diagnosed na kaso ng HIV sa bansa kung saan halos kalahati nito ang mga kabataan pa lamang.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ang nagmula sa National Capital Region at mga pangunahing syudad sa bansa.VI, AT VII.
Sinabi pa ng DOH na kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay lumalabas sa projection na posibleng lumobo pa ang nabanggit na bilang.
Binigyang-diin ni Health Sec. Teodoro “Ted” Herbosa na maaari itong mapigilan sa pamamagitan ng pag-promote ng safe sex, mas maayos na health literacy na naaayon sa kultura at regular na HIV testing bilang bahagi ng primary care sa lipunan.