-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ng Davao City Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) na may isang kaso ng pagkamatay dahil sa HIV (human immunodeficiency virus) mula sa siyudad.

Ayon kay RHWC worker Eddie Batoon, patuloy din ang pagtaas ng HIV cases sa Davao City kung saan umabot na sa higit 100 pagpasok ng Hulyo.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-Epidemiology Bureau, biglang tumaas ang mga kaso ng HIV noong Marso mula sa 15 case na naitala noon Enero at 24 sa Pebrero.

Sa ilalim ng bilang, anim ang babae at 95 ang lalaking na-diagnos na HIV positive.

Karamihan daw dito ay mga nasa edad ng 25 hanggang 34 anyos.

Sa datos ng RHWC, mula 1984 ay nasa 2,805 na ang HIV cases na naitala sa Davao City.