Ikinokonsidera ngayon ng DOH at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagsama ng HIV Testing sa medical packages.
Ayon kay PhilHealth Northern Mindanao information officer Merlyn Ybañez, ang naturang plano ay magiging parte ng “Enhanced Konsulta Program” ng naturang ahensya.
Subalit ito ay kasalukuyang pinag-uusapan pa ngayon ng DOH at ng Philhealth. Kung sakali, maibibilang na sa enhanced Konsulta program ang HIV Testing at referral system for treatment options ng pangangasiwaan ng DOH.
Sa ilalim din ng naturang programa, papayagan ang mga miyembro na makapag-avail ng laboratory testing at magpakonsulta sa doktor ng libre sa mga accredited hospitals at clinics.
Ayon naman kay DOH HIV Disease Prevention and Control Bureau program expert Dr. Roland Sardan, nadagdagan ng 26, 700 HIV cases ang Pilipinas sa taong kasalukuyan, kung saan 47% nito ay nasa edad na 15-24.