-- Advertisements --
NAGA CITY- Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Calabanga na mabigyan ng hiwalay na benipisyo ang mga solo parent sa Calabanga, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coun. Levi Sta. Ana, sinabi nito na parte ang naturang hakbang ng programa sa nasyonal na nais naman na ipatupad sa lokal.
Sakop ng naturang proposed ordinace ang Medical, Burial, financial assistance at edukasyon ng mga anak ng mga single parents ng bayan.
Samantala, tinatayang nasa mahigit-kumulang 1,000 naman na mga solo parent ang nasa naturang bayan.
Sa ngayon, patuloy pa umano na pinaplantsa ang naturang panukalang ordinasa.