-- Advertisements --
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang bukod na kulungan para sa mga nahatulan ukol sa mga karumaldumal na krimen.
Sa regular na sesyon nitong Lunes, pinaburan ng mga senador ang pagsasabatas ng Senate Bill 1055 na may pamagat na An Act Establishing a Separate Facility for Prisoners Convicted of Heinous Crimes.
Layunin nitong higit na mabantayan ang mga bilanggong may mabibigat na kaso at matiyak na mapapanagot ito sa mga krimen na kanilang nagawa.
Ayon sa author ng bill na si Sen. Richard Gordon, hangad nilang maituwid ang mga pangyayari sa New Bilibid Prisons na nagbuhay-hari ang ilang inmate sa halip na pagsisihan ang kanilang nagawang kasalanan.