-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol region na malaking tulong ang ipinapanukalang hiwalay na detention facility sa mga kriminal na hinatulan sa karumal-dumal na krimen.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni PDEA-Region 5 director Christian Frivaldo, na makakatulong sa decongestion ng New Bilibid Prison (NBP) facilities ang mga bagong pasilidad na planong itayo ng gobyerno.

Bukod sa bawas siksikin, tiyak na mababawasan na rin daw ang kriminalidad at iligal na transaksyon sa pagitan ng mga inmate at opisyal.

Tiwala si Frivaldo na kung matutuloy ang panukala ay aangkupan din ito ng mga programa at rehabilitasyon sa mga preso nang hindi naaakit sa alok ng mga corrupt na kawani ng Bilibid.