-- Advertisements --

Nakadepende umano sa Kongreso ang pagpapalawig ng libreng sakay sa mga pampublikong bus o ang EDSA bus carousel program.

Sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista, wala silang budget para dito para sa susunod na taon.

Hanggang Disyembre ngayong taon na lamang kasi ang libreng sakay sa EDSA carousel.

Ayon kayBbautista, naghayag kamakailan ang Kongreso na suportado nila ang libreng sakay program para maibsan pa rin ang pasanin ng mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng langis, pagkain at iba pang bilihin.

Kaya umaasa ang kalihim na maglalaan ng hiwalay na budget ang Kongreso para sa pagpapatuloy ng libreng sakay program sa susunod na taon.