-- Advertisements --

“End of a love story.”

Kinumpirama nina Kim Chiu at Xian Lim ang hiwalayan, matapos ang ilang buwan na espekulasyon ng publiko sa pagiging mailap ng dalawa sa isa’t-isa.

Nagpost sina Kim at Xian sa kani-kaniyang official social media pages patungkol sa break-up kung saan, ipinabatid ng dating magnobyo ang pasasalamat sa isa’t-isa sa 12 na taon na pagsasama.

“Thank you for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is,” pahayag ni Kim sa post.

“Thank you for all the unconditional love throughout the years. My respect and admiration for you as a person, as an artist, and as someone I spent more than a decade with will always remain,” ayon naman kay Xian.

Ang naturang hiwalayan ay kapwa desisyon ng dating love team at real-life couple, base sa post ni Kim.

Nagpaabot din ang dalawa ng mensahe sa KimXi fans.

“As we close this chapter, I ask for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives,” ayon sa Chinita Princess.

“To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding,” pabatid naman ni Xian.

View this post on Instagram

Kung babalikan, ilan sa nakapagpainit ng usapin sa hiwalayang KimXi ay ang paglalakad ni Kim ng solo sa red carpet sa dinaluhang media network ball.

Dagdag pa ang mga pahayag ng “Linlang” star sa ilang mga interviews kung saan sinabi ng aktres na “sa amin na lang ‘yun,” matapos siyang tanungin patungkol estado ng relasyon nila ni Xian, noong nakaraang buwan.

“Naka-hang ngayon” naman ang pahayag ni Kim sa lovelife niya base huling interview noong December 18.

Napansin din ng mga netizens ang pagbura ni Xian sa mga vlogs na kasama si Kim.

Nagpakita naman ang mga taga-hanga ng simpatya sa hiwalayang KimXi sa mga shared posts, matapos ang kumpirmasyon ng nasabing aktor at aktres.

Umusbong ang tambalang KimXi sa isang teleserye na umere simula 2011 hanggang 2012. Naging real life couple naman ang dalawa noong 2012, habang isinapubliko nila ang relasyon noong 2018.

Photo courtesy from Kim Chiu’s official social media page