Hinatulang makulong ng 10 buwan si Hong Kong pro-democracy activist Joshua Wong.
Ito ay dahil sa pagsali nito sa unauthorized vigil marking sa 1989 Tianamen Square crackdown noong nakaraang taon.
Pinagbawalan kasi ng mga kapulisan ang taunang vigil noong nakaraang taon dahil sa pangambang pagkakahwaan ng COVID-19.
Bukod kay Wong ay kinasuhan ng mga kapulisan ang ilang libong aktibista.
Kasalukuyan ng nakakulong ang 24-anyos na si Wong dahil sa ibang kaso nito na unauthorised assembly base sa ilalim ng national security law ng Hong Kong.
Una ng nahatulan ito ng 13.5 months at apat na buwan sa kulungan.
Naghain ng guilty plea si Wong kasama ang ilang kilalang aktibista na sina Lester Shum, Tiffany Yuen at Jannelle Leung dahil sa pakikipagsali sa Tiananmen vigil.