-- Advertisements --
HongKong airport
HK airport /

Isinisisi ngayon sa anti-government protesters kung bakit karamihan ng mga empleyado ng Hong Kong International airport ang napipilitang mag-file ng unpaid leave o bawasan ang kanilang oras sa trabaho.

Isa lamang ito sa maraming epekto ng malawakang pag-aalsa ng mga mamamayan ng Hong Kong upang ibasura na ang kontrobersyal na extradition bill sa naturang rehiyon.

Sa inilabas na pahayag ng paliparan, itinuturo nito sa mga nagpo-protesta ang unti-unting pagbaba ng kanilang kita matapos kanselahin ang daan-daang flight schedules dahil sa public assemblies na isinasagawa sa travel hub.

Ayon pa rito, posible raw na ma-delay din ang sahod ng mga empleyado para sa buwan ng Agosto.

Kamakailan lamang nang aminin ni Hong Kong leader Carrie Lam na mas lalong nagiging seryoso ang krisis na kinakaharap ng kaniyang lungsod kasabay ng unti-unting pagbagsak ng kanilang ekonomiya.