Halos 300 flight schedules ang muling kinansela ngayong araw ng Hong Kong International airport dahil sa nakatakdang kilos-protesta na gagawin sa loob ng paliparan.
Ilang hotels din sa Hong Kong ang nagpamigay ng advisory notes sa mga turistang kasalukuyang naka check-in upang paalalahanan sila na kanselado ang lahat ng scheduled flights.
Nagmistulang camping site naman ang paliparan kagabi matapos mapilitan ng ilan sa mga pasahero na dito muna magpalipas ng gabi habang hinihintay ang bagong abiso kung kailan matutuloy ang kanilang pag-alis palabas ng lungsod.
Mahabang pila ng mga pasahero sa departure hall at check-in counters ang nakatambad ngayon sa loob ng terminal hub sa kabila nang patuloy na pagrekober sana nito sa naunang kanselasyon kahapon.
Hinikayat naman nito ang lahat ng pasahero na ugaliing kumpirmahin muna ang pinaka bagong flight schedules bago magtungo sa paliparan.